![]() ![]() Ang bawat akdang ito ay nagtataglay ng mga prinsipyong pangmoral na sumisimbolo sa katangian ng isang tao sa isang parte ng panahon. Mula ikapitong baitang mapaikasampung baitang, samu’t saring akda ang aking nahayag at naisalin isip. ![]() ![]() Ito ang ilaw na magiging tanglaw sa malikhaing pagiisip. Kahit sa anong anyo, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maipahatid ang kaisipan, maisalin ang kaalaman, mapanatili ang kasaysayan at mga tala o saloobin ng mga sinaunang Pilipino. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maipagbuklod-buklod ang mga mamamayan upang maging ISA sa kanilang diwa. Ang wika ay isang instrumentong tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkakakilanlan. Hindi maipagkakaila na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, edukasyon at komersyo. Ika nga ay ginamit ang dalawang wikang ito, bilang wikang panturo sa bansa. Ginagamit ang wikang Ingles at wikang Filipino, bilang midyum ng pagpapahatid at pagpapalawak ng kaalaman patungkol sa kultura, pangyayari, kaganapan, tradisyon, at kasalukuyang kalagayan ng mundo. Mapasimula hanggang katapusan ng aking pag-aaral sa sekondaryang kurikulum. Nagsisimbolo ito bilang isang kaparaan upang maging ganap na tao ang isang tao. Ang wika ang siyang primarya at mahalagang kasangkapan sa pagpapanatili ng patuloy na daloy ng kaalaman at pagkakaunawaan. ![]()
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |